Sa Libertad, Misamis Oriental, alyas “bulaw” na isa sa mga suspek na bumaril sa isang pulis, patay

Kinilalang si alyas ‘’bulaw’’ ang napatay na suspek sa isinagawang hot pursuit operation ng mga polis sa Purok 5- Taboo, Libertad Misamis Oriental kahapon.

Si alyas Bulaw ay isa sa limang suspek na nakasagupa ng mga polis sa Libertad noong Pebrero 17.

Nakuha mula kay alyas Bulaw ang iba’t-ibang uri ng anting-anting.


Nalaman na si Bulaw ang nakapatay kay Police Staff Sergeant Ronald Caayupan habang nagsasagawa ng checkpoint sa Libertad Misamis Oriental.

Facebook Comments