Nakahandang magbigay ang Philippine Military Academy Class 1983 ng isang milyong piso bilang pabuya sa sinumang makakapagturo sa mga suspek sa pagpatay sa Board Secretary ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ginawa ng PMA Class ‘83 ang pagbibigay ng pabuya dahil sa kabiguan ng Mandaluyong City Police na mahanap ang mga nasa likod ng pagpatay kay Atty. Wesley Barayuga, may dalawang buwan na ang nakakaraan.
Ang PMA Class ‘83 ay mga kaklase ni Barayuga na naghahanap din ng katarungan sa kanyang pagkamatay.
Si Barayuga ay pinatay noong July 30, 2020 sa Mandaluyong City matapos ang kanyang pagdalo sa Board Meeting ng PCSO.
Sabi naman ni Mandaluyong City Police Chief Col. Hector Grijaldo, tuloy ang kanilang ginagawang pagsisiyasat at pagtugis sa mga suspek.
Mayroon na umano silang lead sa kaso habang kinukumpleto na ang mga ebidensya para makasuhan ang utak sa pagpatay.