PMA, nagpapasalamat kay Pangulong Duterte dahil sa pagkilalang ibinigay nito sa health workers

Nagpaabot ng pasasalamat ang Philippine Medical Association (PMA) kay Pangulong Rodrigo Duterte, dahil sa naging pagkilala nito sa papel ng health workers sa panahon ng pandemya.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni former PMA President Dr. Benito Atienza na malaking bagay na nabigyang recogntion ang buong medical community mula sa Punong Ehekutibo.

Matatandaan na kamakailan lamang ay maraming binigyang gawad na Presidential awards sa Palasyo at kabilang na nga ang recognition sa healthcare workers.


Kasama sa mga binigyang pagkilala ay ang mga indibidwal at grupo na nakilahok sa pag- aalaga sa mga nagka-COVID pati na ang mga nagkaroon ng partisipasyon sa pagbabakuna.

Ginawa ang pagkilala sa Palasyo bago bumaba sa puwesto ang pangulo sa darating na Hunyo 30.

Facebook Comments