TRICYCLE DRIVER PATAY MATAPOS BUGBUGIN SA ALAMINOS CITY

7
Patay ang 42 anyos na tricycle driver matapos itong bugbugin ng isang lalaki sa Alaminos City.
Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Eduardo Del Rosario at ang suspek naman ay si Isagani Astro, pawang residente ng brgy. Victoria sa lungsod.
Base sa initial na imbestigasyon ng pulisya, dumating ang suspek at agad na pinagsusuntok ang biktima sa kanyang mukha.
Napuruhan umano ang panga ni Romero at bumagsak sa semento.
Agad na itinakbo ng mga nakasaksi sa insidente ang biktima sa hospital ngunit Makaraan ang dalawang araw, namatay si Rosario.
Agad namang inireport ng asawa ng biktima ang nangyaring insidente sa pulisya upang madakip ang suspek. |ifmnews
Facebook Comments