PMGen. Arthur Bisnar ng DHDR, sasailalim sa imbestigasyon

Haharap sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) si PMGen. Arthur Bisnar ng Directorate for Human Resource and Doctrine Development o DHRD.

Kinumpirma ito ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, matapos matanggap ang report ni PCol. Glenn Silvio ang hepe ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG NCR).

Sinabi ni Gen. Carlos na may dalawang paraan para maimbestigahan si Bisnar.


Ito ay sa pamamagitan ng PNP IAS o kaya ay sa pamamagitan ng Grievance Committee na pamumunuan ng PNP Deputy Chief for Administration.

Anuman ang rekomendasyon ng mga ito ay isusumite sa Hepe ng Pambansang Pulisya.

Si Bisnar ay inireklamo nina Col. Silvio dahil sa malulutong nitong pagmumura sa kanila dahil lamang sa hindi pa natanggal na gate na kanilang pinaaalis, dahil nasa kontrol na ito ng kontratista.

Itinuturing nila itong “erratic behavior” at “conduct unbecoming of an officer and gentleman” kaya’t sila ay humihingi ng kaukulang imbestigasyon.

Facebook Comments