4 Barangay ng Cauayan City, Nakatakdang Ideklarang ‘Drug- Cleared’

22
Cauayan City, Isabela- Anim na lang mula sa animnapu’t limang (65) barangay sa Cauayan City ang nakatakdang maideklarang drug-cleared ng Regional Oversight Committee pangunahin na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2.

Ito ang kinumpirma ni PLTCol. Sherwin Cuntapay, ang hepe ng Cauayan City Police Station sa katatapos na Isabela PPO on the Go livestream segment.

Ayon kay Cuntapay, apat na barangay sa lungsod ang nakatakdang mapabilang sa drug clearing na kinabibilangan ng District 1, District 3, Minante 1 at Turayong habang ang natitirang dalawa ay isasailalim pa sa validation.

Kasabay ng aktibidad bukas, Abril 29,2022 ang pagsasagawa ng drug clearing seminar na gagawin sa Bambang, Nueva Vizcaya.

Samantala, ibinida naman ng hepe ang kanilang naging tagumpay sa pagsugpo sa iligal na droga matapos ang ginawang operasyon noong Pebrero 28,2022 at magresulta ng pagkumpiska ng malaking halaga ng shabu.

Nito lamang Enero hanggang Abril 2022 ng makapagtala ng kabuuang tatlong operasyon ang kapulisan ng Cauayan kung saan apat na suspek ang naaresto.



Tiniyak naman ni Cuntapay na tuloy-tuloy ang kanilang kampanya upang tuluyang masugpo ang ipinagbabawal na gamot.

Facebook Comments