PN, kinumpirmang namataan ang pinakamalaking Chinese Coast Guard vessel sa bisinidad ng Bajo de Masinloc

Kinumpirma ni Philippine Navy (PN) Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad ang namataang presensya ng pinakamalaking barko ng Chinese Coast Guard sa bisinidad ng Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.

Ibinahagi ni Trinidad, na-monitor ng PN ang naturang barko kaninang umaga na nasa 50 milya ang layo mula sa naturang isla.

Ang nabanggit na Chinese Coast Guard vessel ay ang may bow number 5901 na kinikilalang pinakamaking coast guard vessel sa buong mundo na may sukat na 165 metro.


Tiniyak naman ni Trinidad na magkakaroon ng “appropriate response” ang Pilipinas sa lebel ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) at Philippine Coast Guard hinggil dito.

Facebook Comments