PNA, nahihirapang manghikayat ng mga nurse na magtrabaho sa mga ospital ngayong panahon ng pandemya dahil mababang sweldo

Aminado ang Philippine Nurses Association (PNA) na hamon sa kanila kung paano hihikayatin ang mas maraming nurse na magtrabaho sa mga ospital sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay PNA President Melbert Reyes, malaking factor kasi rito ang mababang sweldo ng mga nurse sa mga ospital.

Katunayan, nag-alok na ang Philippine Red Cross ng P30,000 monthly salary para mga nurse na magbabantay sa mga COVID patients na nasa isolation maging ang Quezon City LGU na handa ring magbayad ng P2,500 per day pero wala pa ring tumatanggap.


“So ganyan na nila nakikita yung worth ng nurses, pero walang papers pa rin.”

“Hindi na kasi natin alam paano sila ie-encourage because yun nga ang comparison ng salary nila,” ani Reyes sa interview ng RMN Manila.

Katwiran pa ni Reyes, hindi naman sila pwedeng humiling ng deployment ban dahil labag ito sa karapatan ng mga nurse na magkaroon ng mas magandang oportunidad.

“Hindi po kasi nating i-recommend na i-ban yung deployment because we are depriving the rights of Filipino nurses to look for a better opportunity and that better opportunities e wala rito sa Pilipinas.”

Facebook Comments