Umabot sa 225 indibidwal ang tinamaan ng pneumonia kung saan malaking bilang ng kalalakihan ang apektado na umabot sa isandaan at labing tatlo (133) habang siyamnapu’t dalawa lang ang kababaihan.
Pinakamaraming bilang ng mga edad 1-4 ang na-diagnose na may sakit na pneumonia.
Pumangalawa ang sakit na Acute Gastroenteritis sa may mataas rin na kaso ng tinamaan ng sakit na umabot isandaan at animnapu’t tatlo (163); Pangatlo ang Urinary Tract Infection o UTI na mayroong pitumpu’t tatlo (73); ikaapat ang Sepsis na pitumpu’t isa (71) at ikalima naman ang sakit na Dengue na umabot sa pitumpu (70).
Kasama rin sa Top 10 Leading Causes of Morbidity ang Hypertension na nakapagtala ng limampu’t walo (58); cerebral vascular accident (CVA) na mayroon namang limampu’t anim (56); COVID-19 na mayroong apatnapu’t walo (48); Pulmonary tuberculosis na nakapagtala ng tatlumpu’t dalawa (32).
Maraming bilang ng Diabetes Mellitus ang tinamaan ng sakit na umabot sa dalawampu’t lima (25); Congestive heart failure na mayroong dalawampu’t tatlo (23); Anemia na nakapagtala ng labing-anim (16) at bronchial asthma na mayroon lamang labing dalawa (12).
Hinimok naman ng mga doktor na agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na ospital kung may mga hindi pangkaraniwang nararamdaman sa katawan upang agad na matukoy ang dahilan nito at maiwasang lumala ang sakit.