Manila, Philippines – Isinusulong ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang isang mabilisang imbestigasyon para lumitaw ang katotohanan sa pagpaslang umano kay Kian delos Santos.
Sa kaniyang pahayag matapos ang misa kaugnay ng 34th anniversary ng pagka-martir ni dating Senador Ninoy Aquino sa Manila Memorial Park,
Sinagot din ni PNoy ang patutsada ni President Duterte na wala namang nagawa ang kaniyang administration sa pagsugpo ng droga.
Aniya, ang pagrespeto sa mga umiiral na batas ang naging pundasyon noon ng kanilang pagharap sa droga.
Naging tutok nila noon ang proseso ng pagpapausad ng mga kaso at hindi giyerahin ang mga nasa likod ng sindikato ng droga.
Mahirap aniya na mapagdudahan sila na nagpapairal ng mga sadyang pagpatay.
Sa selebrasyon ng 34 anniversary ng pagmartir ni dating Senador Ninoy Aquino, Pinadalhan ni Duterte ng liham si Noynoy pero mas mainam aniya na kung ang mga nilalaman ng liham ay mismong pagnilayan ni Digong.
Maliban sa misa para kay Ninoy sa Manila Memorial Park na dinaluhan ni VP Leni Robredo , ilang LP Senators at mga taga-suporta, nagkaroon din ng wreath laying ceremony sa Ninoy Aquino Monument sa Maynila at sa Quezon City na pinangunahan nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at VM Joy Belmonte.