PNP 12 handa sa Eleksyon

18

HANDA na ang lahat na mga kapulisan sa buong Rehiyon-12 para sa isasagawang midterm election sa Lunes.
Ayon kay Police Lt. Col. Aldrin Gonzales, spokesman ng Police Regional Office —handa na ang buong pwersa ng PRO-12 kasama ang militar para sa pagbabantay ng seguridad sa araw ng eleksiyon.
Napag-alaman na kahapon, dinalaw ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang ilang police units sa Rehiyon-12.
Paliwanag ni Gonzales, nililibot ng police chief ang iba’t-ibang lugar sa bansa upang siyasatin ang kahandaan ng mga kapulisan sa darating na Lunes.
Sa SOCCSKSARGEN, nananatili umanong payapa ang mga lugar na inilagay bilang mga hot spot areas ngunit patuloy nila itong binabantayan upang masigurong walang kaguluhang mangyayari.(Daisy Mangod)

Facebook Comments

From Advertisers