PNP-ACG chief at NCRPO chief, sabay na pinatawan ng suspensyon

Pinatawan din ng administrative relief na 10 araw si Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Director Police Major General Ronnie Francis Cariaga.

Base sa inilabas na General Order ng PNP epektibo ngayong araw Nobyembre 7, ang suspensyon kay Cariaga kasabay ng suspensyon kay National Capital Region Police Office
(NCRPO) Director MGen. Sidney Hernia.

Wala namang sinabing dahilan sa kanilang pagkakasuspinde base sa dokumento.


Pero sina Hernia at Cariaga ang nanguna sa isinagawang raid sa isa umanong iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Century Peak Tower sa Ermita, Maynila nitong Oktubre 29 kung saan aabot sa 69 na mga dayuhang POGO worker ang dinampot kabilang ang ilang Pinoy.

Wala pang pahayag ang PNP hinggil sa pansamantalang suspensyon ng dalawa nilang opisyal.

Facebook Comments