PNP-ACG, hugas-kamay sa pagsama ng isang vlogger sa kanilang police operation

Iginiit ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP) na mayroon silang kolaborasyon sa vlogger na si Rendon Labador kaya nabigyan ito ng access sa operasyon na kanilang inilunsad sa isang online lending company sa Makati.

Ito’y matapos umani ng batikos mula sa mga netizen at mga pamilya ng mga manggagawang naabutan sa pagsakalay, ang ginawang facebook live ni Labador na mali-mali umano ang sinasabi.

Ayon kay Police Captain Michelle Sabino, tagapagsalita ng PNP-ACG, kanyang sinabi na pinahintulutan lang nilang makapasok si Labador matapos ang ginawang operasyon.


Ang presensya umano ng naturang vlogger kasama ang media ay para sa comprehensive coverage.

Sakali umanong may paglabag sa privacy na nagawa ang vlogger ay kanila itong aalamin at aaksyunan kung mapapatunayan.

Nabatid na walang koordinasyon mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission ang ginawang pagsama ni Sabino kay Labador.

Giit ni PAOCC Usec. Gilbert Cruz, may protocol sa operasyon at tanging otorisadong tao lamang ang dapat na pumasok sa crime scene.

Facebook Comments