DTI, inaasahan na malaki ang maitutulong ng pagsuspinde ng pass through fees upang mapababa ang presyo ng Noche Buena items

Inaasahan ng Department of Trade and Industry (DTI) na malaki ang maitutulong ng suspensyon ng Pass through fees para maibaba ang mga presyo ng Noche Buena item ngayong holiday season.

Ayon kay Trade Asec. Mary Jean Pacheco, base sa kanilang pag-iikot noong nakaraang linggo ay nanatiling normal pa naman ang presyo ng Noche Buena items.

Aniya, dahil sa pagsuspinde ng pass through fees ay malaki ang naging kabawasan ng food manufacturers sa kanilang logistical expenses kaya naman mas mababa pa ang presyo ng mga Noche Buena items.


Una nang sinabi ng ahensya na ngayong linggo ay asahan na mailalabas ang suggested retail price (SRP) sa mga Noche Buena items.

Facebook Comments