Nasa kamay na umano ng Commission on Elections (Comelec) ang magiging adjustment ng mga tropa sa lalawigan ng Zamboanga Del Norte ngayong isinailalim sa hotspot ang buong Mindanao Region.
Sa ginawang press conference kahapon, sinabi ni Police Super Intendent (PSUPT0. Gilzen nino manese, Acting Chief Of Police ng Dipolog PNP na inaasahan na nila na magkakaroon ng security adjustment ang PNP o Militar pero ang Comelec ang siyang magbibigay ng go signal.
Sinabi ni Manese, sa ngayon pinaghahandaan nila ang nalalapit na halalan at magpapatupad din sila ng kaukulang security adjustment.
Sa panig naman ng Militar magpapatuloy pa rin ang AFP sa kanilang misyon para mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa lugar.
Kampante naman si Dipolog City Comelec Officer Atty. Edmund Calo At P/supt. Manese na mananatiling tahimik at payapa ang dipolog sa nalalapit na halalan.
Una rito, sa deklarasyon ng Comelec, ang buong Mindanao ay classified sa tinatawag na “category red” na election hotspot.
Ito’y dahil sa election-related incidents sa nakalipas na dalawang halalan, kasabay ng seryosong banta mula sa NPA, BIFF, Abu Sayyaf Group, at “rogue elements” ng Moro National Liberation front at moro islamic liberation front.