PNP Anti-Cybercrime Group mino-monitor na ang bentahan ng mga malalaswang larawan at video ng mga estudyante online

Pinakikilos na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas sa PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) upang tukuyin at papanagutin ang mga nasa likod ng bagsak presyong bentahan ng mga larawan at video ng mga estudyante sa internet.

Ito ay makaraang tawagin ni Senator Sherwin Gatchalian ang atensyon ng PNP at Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang mga grupo na gumagamit at umaabuso sa mga kabataan online.

Ayon kay Sinas, imo-monitor ng ACG ang bentahan ng mga bagsak presyong sex video at larawan online.


Sa ngayon aniya wala pa silang reklamong natatanggap tungkol dito.

Hindi naman kasi aniya nila pakikialaman ang social media lalo na kung ito ay personal post naman.

Paalala rin ni Sinas sa mga magulang na may mahalagang papel sila sa problemang ito sa mga kabataan.

Facebook Comments