Pnp At Afp All Systems Go Na Para Sa Eleksyon 2016

32

MANILA – All systems go na ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines para sa eleksyon 2016.Ayon kay Pnp Dir. Gen. Ricardo Marquez, sinimulan na nilang ipakalat ang mga pulis sa ibat-ibang paaralan, kahapon kasabay ng final sealing at testing ng mga Vote Counting Machines.Wala umanong uwian ang mga pulis hanggang sa mailipat sa mga munisipyo ang mga SD-cards at hanggang sa matapos ang bilangan ng boto.Tiniyak ni Marquez na handa na sila sa eleksyon, hindi lang para bantayan ang mga polling precincts kundi maging sa seguridad ng mga botante, Board of Elections Inspector, mga cell sites.Samantala, halos 100% nang kompleto ang deployment ng mga sundalo sa buong bansa bilang paghahanda pa rin sa eleksyon.Dahil ditto, mas hinigpitan pa ng mga sundalo ang kanilang checkpoint sa mga election hot spot area.Bahagi parin ito ng pinaigting na monitoring ng afp laban sa mga grupong nagbabalak na guluhin ang magaganap na eleksyon.

Facebook Comments