Sa Kabila Ng Ibat-Ibang Isyu – Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Nangunguna Pa Rin Sa Huling Presidential Survey Ng Sws

4

MANILA – Sa kabila ng kaliwat’ kanang isyu… Namamayagpag pa rin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa Presidential survey ng Social Weather Stations (SWS).Kabilang sa mga isyung ibinabato kay Duterte ay ang kontrobersyal na “rape joke” at ang tagong ari-arian at yaman nito.Batay sa resulta ng SWS survey na kinomisyon ng “The Businessworld”, nangunguna si Duterte na may 33-percent at sinudan ni Senador Grace Poe na may 22-percent.Ikatlong pwesto si Liberal Party Presidential bet Mar Roxas na may 20-percent habang kasunod nito si Vice President Jejomar Binay na may 13 percent.Nakakuha naman ng 2-percent at nasa huling pwesto si Sen. Miriam Defensor Santiago.Isinagawa ang survey mula may 1 hanggang 3 sa 4,500 registered voters nationwide.

Facebook Comments