Nakatanggap rin ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ng mga bagong ambulance units mula sa PCSO.
Isinagawa ang turn over ceremony sa 45 ambulance units sa Camp Crame na Pinangunahan mismo ni PCSO Chairperson Anselmo Simeon Pinili, Vice Chairperson and General Manager Royina Garma at Chief of the Directorial Staff Major Gen Guillermo Eleazar.
Ang 45 mga bagong ambulance units ay hindi lamang ipinamigay sa PNP at AFP kundi maging sa iba’t-ibang government hospital at health facilities sa bansa.
Tig isang unit ng Ambulance napunta sa PNP at AFP habang apat na unit ay napunta sa Presidential Security Group Station Hospital.
Bukod sa unit ng Ambulanysa nagbigay rin ng 55 milyong piso cash assistance ang PCSO sa PNP para sa health services ng pambansang pulisya.
Sinabi ni PCSO Gen Manager Garma ang ibinigay nilang donasyon ay resulta ng patuloy na suporta ng publiko sa pamamagitan ng pagtataya sa Philippine Sweepstakes at Small Town Lottery o STL.