PNP at AFP sa Bicol region, todo-alerto pa rin kaugnay sa ipinatupad na martial law sa Mindanao

Bicol, Philippines – Mas pinaigting ngayon ng Philippine National Police (PNP) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang seguridad sa lalawigan ng Bicol region.

Ito’y matapos na muling magkabakbakan ang mga tropa ng pamahalaan at ang mga rebelde sa isang bayan sa Sorsogon.

Bukod dito, pinangangambahan din na dito tumuloy at magtago ang mga rebeldeng nagsipagtakas mula sa bakbakan sa Marawi City.


Tinitingnan ding dahilan ang nangyari sa Resorts World Manila sa Pasay City na napasok ng isang armadong lalaki.

Dahil dito, mas naghahanda ang lalawigan ng Bicol region para mapaghandaan ang mga ganitong uri ng insidente.
DZXL558

Facebook Comments