PNP at LGU Buldon mas palalakasin pa ang samahan para sa Kapayapaan

Lubos ang pagpapasalamat ng LGU Buldon sa pangunguna ni Mayor Abolais Manalao kasama ang iba pang local officials sa pagtungo sa kanilang bayan ng pinakamataas na opisyal ng PNP Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa katauhan ni BGen. Manuel Abu ngayong araw.
Ikinagalak din ng LGU ang tila pagbibigay pagkilala ng PNP BARMM sa kanilang mga pagsisikap para mapanatili ang katiwasayan sa kanilang bayan lalo na sa inisyatibang maging RIDO FREE ang bayan.
Kaugnay nito mas papalakasin pa ng LGU katuwang ng PNP ang kanilang mga programa para na rin sa sustainability ng peace and order ng Buldon.
Nauna na ring inihayag ni Mayor Manalao na suportado nito ang lahat ng adbokasiya at kampanya ng PNP sa kanyang bayan.

Facebook Comments