Suportado ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagsusuot ng body camera ng mga operatiba tuwing magsasagawa ng drug operations.
Ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) Co-Chairperson, Vice President Leni Robredo upang maipatupad ang nilalayong ‘zero killings’ sa kampanya kontra ilegal na droga.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, matagal na nila itong ginagawa bilang bahagi ng standard operating procedure.
Nagagamit nila ang mga body cam sa pagpapatibay ng mga ebidensya.
Sinabi naman ni PNP Spokesperson, Brig/Gen. Bernard Banac, nasa bidding process ang kanilang procurement ng kanilang body cams na may pondong 333 Million Pesos.
Sa ngayon, mayroong higit 200 body cams ang PDEA at patuloy ang pagpondo rito upang madagdagan pa.