Patuloy na mangangalap ng ebidensya ang government intelligence agencies upang matukoy ang iba pang pulitikong sangkot sa ilegal na droga.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Senior Superintendent Bernard Banac – patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa paghahanap ng testigo at ebidensya na makatutulong makasuhan ang mga narco-politicians sa korte.
Nabatid na 46 na pulitiko ang pinangalanan ni Pangulong Duterte na dawit sa ilegal na droga.
Lumalabas na karamihan sa mga ito ay tumatakbo bilang re-electionist sa May 13 midterm elections.
Facebook Comments