Naka-alerto ngayon ang hanay ng Philippine Army at Philippine National Police bilang paghahanda sa ika-53 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Ayon kay Philippine Army Chief Major General Romeo Brawner Jr., walang dapat ipagdiwang ang CPP dahil naaalala lamang ng publiko sa kanila ang mga ginawang kalupitan ng grupo kasama ng New People’s Army (NPA) at National Democratic Front of the Philippines (NDF).
Sa ngayon, nakahanda ang PNP at Philippine Army sa posibleng pag-atake ng mga komunista sa mga uniformed personnel at sa mga Pilipino.
Tiniyak naman ni Brawner na hindi nito maaapektuhan ang kanilang ginagawang humanitarian assistance at disaster response sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.
Facebook Comments