Hindi na rin gusto ng Philippine National Police (PNP) na mapalawig pa ang umiiral na martial law Mindanao.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac sa ngayon maganda na ang peace and order situation sa Mindanao.
Kaya naman para sa kanila pwede nang tanggalin ang umiiral na batas militar.
Kontrolado na aniya ng PNP ang peace and order sa Mindanao sa katunayan halos wala na silang nakukumpiskang mga loose firearms.
Sakali man aniyang maalis na ang martial law sa Mindanao mananatili namang naka-full alert ang tropa ng pamahalaan sa lalawigan ng Sulu lalo at may namo-monitor pa rin silang presenya ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa lugar.
Kahapon una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kung siya ang tatanungin ayaw niya na rin irekomenda ang extension ng martial law sa Mindanao.