Ibinababa na ng Philippine National Police sa normal status ang kanilang alerto.
Ito ay kasunod ng pagtatapos kahapon ng election period na nagsimula noong January 13, 2019.
Ayon kay PNP Spokesman Police Col. Bernard Banac, mula sa full alert status, balik normal na ngayon ang alert status ng PNP.
Pero, may piling rehiyon pa rin ang nananatili sa full alert status dahil sa presensya ng threat groups kagaya ng Abu Sayyaf, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Communist terrorist.
Kabilang dito ang Police Regional Office 9, 10, 11, 12, 13 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sa pangkalahatan aniya ay naging mapayapa ang buong panahon ng eleksyon.
Ito ay dahil aniya sa kanilang maagang paghahanda at sa tulong na rin komunidad.
Facebook Comments