PNP, bibigyan ng mahigit dalawangpung libong mga bagong baril ng China

Manila, Philippines – Dalawangput tatlong libong mga bagong baril ang nakatakdang ibigay ng China sa Philippine National Police.

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Bato Dela Rosa.

Aniya ang mga baril na ito ay mga m4 rifle.


Pero nilinaw niyang wala pa siyang pinirmahang dokumento para rito ngunit may nakipag-usap na sa kanya.

Sa ngayon wala naman daw hinihinging kapalit ang China sa planong pagbibigay ng ilang libong baril.

Ang mahalaga ayon kay General Bato, libreng ibibigay ito ng China na magagamit naman ng PNP lalot malimit na nasasalakay ng New People’s Army ang mga police station sa mga malalayong lugar dahil sa kakulangan sa baril.

Ang pahayag na ito ay ginawa ni General Bato matapos ang biyahe nito China kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.
DZXL558

Facebook Comments