PNP Bicol at Philippine Coast Guard, Nakaalerto Kaugnay ng Todos Los santos

Ipinapatupad na ngayon ng Philippine National Police kaakibat ang Philippine Coast Guard para bantayan ang mga sea ports dito sa bicol region dahil sa posibleng pagdagsa ng mga biyahero kaugnay ng darating na All Souls and All Saints holidays. Dapat tutukan ang mga entry points para matiyak na walang mga illegal na mga bagahe ang makakalusot dahil sa pagdagsa ng mga biyaheros.
Kinumpirma rin ni PNP Regional Director PSSUPT Arnel Escobal na nagbigay na siya ng direktiba sa lahat ng provincial and municipal PNP heads na pag-ibayuhin rin ang pagbabantay sa mga public places lalung-lalo na sa mga public terminals at sementeryo na seguradong dadagsain ng mga tao.
Sa pahayag ni PNP Regional Spokesperson Police Chief Inspector Malou Calubaquiib, nasa 6,000 PNP personnel ang idi-deploy ng PNP Regional Office sa iba’t-ibang munisipyo at mga syudad ng Bicol para mag-augment sa pagmantina ng kaayusan at katahimikan sa mga pampublikong lugar sa buong rehiyon.
Samantala, sa hanay naman ng Philippine Coast Guard, pag-iibayuhin nila ang pagbantay gamit ang mga k-9 dogs sa mga entry points dito sa Bicol region upang ma-detect at matiyak na walang mga kontrabandong posibleng samantalahing ipalusot ng mga pasaway.
Idinagdag pa ni PCI Calubaquib na kanselado ang mga leaves ng lahat ng mga elemento ng kapulisan, maliban sa mga mandatory tulad ng maternity, paternity and sick leaves.

Facebook Comments