PNP binawi na ang panawagan sa Senado na dapat na ipatupad ang “due diligence” sa paglalabas ng pangalan ng mga ninja cops

Kumambyo ang Philippine National Police sa hiling nito sa Senado na dapat maipatupad ang due diligence o maprotektahan ang karapatan ng mga papangalanang ninja cops para maiwasan ang hindi makatarungang paghatol sa mga ninja cops.

 

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac nirerespesto ng PNP ang desisyon ng senado at sinabing maparusahan na ang dapat na maparusahan sa isyung ito.

 

Tila  hindi kasi nagustuhan ni Senate Presidente Tito Sotto ang pahayag ng PNP dahil para sa kanya tumatanggap lamang ng impormasyon ang senado at hindi ito ia anunsyo sa publiko sa halip ibibigay sa mga awtoridad at sa Blue Ribbon Committee para magamit sa mga ginagawang imbestigasyon.


 

Kahapon ay una nang sinabi ni Gen. Banac na hiling nila  sa senado na dapat maprotektahan pa rin  ang ang karapatan ng mga ninja cops  na papangalanan.

 

Dahil gusto lamang daw ng PNP ay palaging  naipapatupad ang justice, fairness at good governance at hindi para pagtakpan ang katotohanan laban sa mga pulis na umanoy nasasangkot sa recycling ng iligal na droga na kanilang nakukumpiska.

Facebook Comments