PNP, bubuo ng Quick Reaction Unit kontra mass gathering sa mga vaccination center

Inutos ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Eleazar sa mga Police Regional Offices na magtatag ng mga Quick Reaction Unit upang agarang rumesponde sa overcrowding sa vaccination centers.

Ito ay matapos ang nangyaring pagdagsa sa mga vaccination center sa bisperas ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR), kaya hindi nasunod ang social distancing at iba pang minimum public health safety standards.

Para kay Eleazar, kailangang maging handa ang mga Quick Reaction Unit para ipakalat agad at makipag-ugnayan sa Local Government Unit (LGU) sa posibleng kanselasyon ng bakunahan sakaling mahirapan nang pigilan ang dagsa ng tao.


Mahigpit ang utos ni Eleazar sa mga local police commander na makipag-ugnayan sa mga Local Chief Executive kaugnay sa sistema ng bakunahan sa kani-kanilang mga lokalidad.

Facebook Comments