PNP, bumuo na ng Special Investigation Task Force para tutukan ang pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid

Nagtatag na ang Las Piñas City Police ng isang Special Investigation Task Force para tutukan ang pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Brig. General Roderick Augustus Alba, ang nasabing task force ang mangunguna sa imbestigasyon upang mapanagot sa batas ang mga suspek.

Kasunod nito, nangangako ang PNP na igagawad ang hustisya sa naulilang pamilya ng biktima.


Sa ngayon, lahat aniya ng anggulo ay kanilang titignan upang matukoy kung sino ang nasa likod ng krimen at ang motibo sa pagpaslang sa mamamahayag.

Matatandaang kagabi ay tinambangan si Lapid ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa bahagi ng Brgy. Talon Dos, Las Piñas City.

Facebook Comments