Cauayan City, Isabela – Palaisipan pa rin para sa PNP Cabagan ang dahilan at pagkakakilanlan ng suspek sa pagpatay sa isang senior citizen na kinilalang si Gaudencio Uy.
Matatandaan na gabi ng Septembr 21, taong kasalukuyan ng pasukin ng hindi pa nakikilalang salarin ang bahay ng 63 taong gulang na biktima sa San Antono, Cabagan, Isabela at pagbabarilin gamit ang M16 armalite.
Batay sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Capt Dennis Matias, Deputy Chief of Police ng PNP Cabagan, blanko parin sila sa motibo ng suspek dahil batay sa testimonya ng asawa ng biktima ay wala namang kaalitan ito.
Lupa ang tanging ikinokonsiderang anggulo ng kaso.
Isa pa sa palaisipan ng pulisya ay wala umanong narinig ang maybahay ng biktima na anumang huni ng sasakyan sa pinangyarihan ng krimen.
Ang tahanan nila ayon pa kay P/Captain Matias ay humigit kumulang 20km na layo mula sa sentrong bayan ng Cabagan.
Posibleng dumaan ang suspek sa likurang bahagi ng bahay bago isagawa ang krimen.
Nakarekober naman ng pulisya ng dalawang basyo ng M16 armilite sa pinangyarihan ng krimen.
Sa ngayon ay puspusan ang isinasagawang imbestigasyon at follow up operation ng kapulisan para sa ikare-resolba ng kaso.