PNP Cabagan, Nagwagi sa Mural Painting sa Isabela

129

Cauayan City, Isabela- Tinanghal bilang 1st Runner Up ang Cabagan Police Station at mga kasapi ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa katatapos lamang na Mural Painting sa Isabela Police Provincial Office (IPPO).

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PCol Marlon Mallorca, Chief PCADU ng IPPO, nakuha ng PNP Cabagan ang unang pwesto sa pamumuno ng Hepe na si PMaj Rodante Albano mula sa 33 na municipal Police Station na kalahok sa probinsya kasama ang mga kabataan ng nasabing bayan.


Nakuha naman ng San Mateo Police Station ang ikalawang pwesto habang ikatlo ang Gamu Police Station.

Ang nasabing patimpalak ay may temang “Kabataan at Pulisya sa Isabela, Nagkakaisa Laban sa Illegal na Droga at Terrorismo” na nagsimula noong ika-31 ng Enero hanggang 2 ng Pebrero taong kasalukuyan.

Ayon kay PCol Mallorca, layon ng Mural Painting contest na proyekto ni PCOl James Cipriano, provincial director na makita at makuha ang suporta ng mga kabataan sa tulong ng bawat pulisya sa pagsugpo laban sa illegal na droga at terorismo sa bansa.

Facebook Comments