Naloobang jewelry shop sa Sta. Cruz, Maynila, nasa isang milyong pisong halaga ng pera at alahas ang natangay!

106

Aabot sa isang milyong pisong halaga ng pera at alahas ang natangay matapos looban ang isang jewelry shop sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa biktimang Filipino-Chinese na si Dulo Cai, kabubukas lamang niya ng kanilang puwesto sa Recto Avenue sa pagitan ng Torres Street at Rizal Avenue nang pumasok ang isang lalaki.


Wala na raw siyang nagawa nang tutukan siya nito ng baril at tangayin ang kaniyang bag na may lamang kalahating milyong piso at mga alahas na kapareho rin ang halaga.

Tinangka naman ng guwardiya nang katabing motel na sumaklolo gayundin ng mga tambay pero napaatras sila nang bumunot ng baril ang suspek.

Kasalukuyang pinag-aaralan ng pulisya ang kuha sa CCTV kung saan may ipinakikitang dalawang lalaki na posibleng kasabswat lalo na’t tila umakto sila na look-out sa nangyaring pagnanakaw.

Facebook Comments