PNP CALABARZON, mahigpit na tinututukan ang 3 barangay sa Laguna, Batangas at Quezon na binabaha pa rin dulot ng nakaraang Bagyong Rolly

Puspusan ang ginagawang pagbabantay ng mga tauhan ng Calamba, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon PNP sa 3 lugar na nananatiling baha pa rin sa Brgy. Malaban, Biñan, Laguna; Brgy. Subic Ilaya, Agoncillo, Batangas at Brgy. Tikiwan, Calauag, Quezon makaraang manalasa ang Bagyong Rolly.

Ayon kay PRO-CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Vicente Danao Jr., ang kanyang mga tauhan ay nagsagawa ng 49 na search and rescue retrieval operations, 2 force evacuation, at 121 road clearing operations kung saan habang nagsasagawa sila matinding rescue operation, tanging 6 katao lamang ang bahagyang nasugatan, isa ang nawawala sa Ibaan, Batangas samantalang 4 ang naiulat na nasawi sa Binangonan, Rizal; San Jose, Batangas; Calaca, Batangas at Padre Garcia, Batangas dahil matindi ang buhos ng ulan na nagdulot ng mga pagbaha sa naturang lugar.

Paliwanag ni Danao, ang Team CALABARZON ay nakapagsagip ng 4,549 katao, 415 na pamilya at 1,259 na mga indibidwal kung saan nagpakalat siya ng search and rescue ng 15 RSSF Team, 127 RSSF personnel habang 1066 SAR personnel ay naka-standby.


Dagdag pa ng heneral na nagpakalat din siya ng 4,821 personnel para mapanatili ang katahimikan at kaayusan habang 115 na personnel ay naka-deploy sa evacuation centers, 57 personnel sa mga nailikas na lugar at 209 mga personnel ang nagpapatrolya sa mga evacuated communities at habang namamahagi naman ng relief goods ang PRO4A ay nagpakalat ng 74 personnel para tumulong sa relief operations.

Facebook Comments