PNP, nakapagtala ng 25 patay sa pananalasa ng Bagyong Rolly

116

25 indibidwal ang iniulat ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Camilo Cascolan na nasawi matapos na manalasa ang Super Typhoon Rolly.

Aniya sa 25 namatay, 21 ay naitala sa Bicol Region, 3 sa CALABARZON at isa sa MIMAROPA region.


43 indibidwal naman ang naitalang sugatan dahil sa epekto ng bagyo, 39 ang naitala sa Bicol region at apat sa CALABARZON.

Pito naman ang nanatiling nawawala, apat sa Bicol region, isa sa MIMAROPA at isa sa CALABARZON.

Nakapagtala rin ang PNP ng 281,369 evacuees na ngayon ay tumutuloy pa rin sa 14,803 evacuation centers sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Rolly.

Facebook Comments