PNP-Calabarzon, nanindigang walang nangyaring cover-up sa pagkamatay ng aide ni Glen Chong

Nanindigan ang PNP Calabarzon na walang cover up sa kaso ng kanilang mga opisyal at tauhan.

Kaugnay ito ng pagkamatay ng security officer ni Atty. Glen Chong na si Richard Santillan makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa Cainta na sinasabing sangkot sa iligal na droga at hi-way robbery.

Sa interview ng RMN Manila kinumpirma ni Calabarzon Regional Director Chief Superintendent Eduard Carranza na inimbitahan nilang sumama sa imbestigasyon ng PNP Regional Internal Affairs Service (RIAS) ang pamilya ni Santillan gayundin ang sa napatay na si Gessamyn Casing para mapawi ang hinala nilang cover up sa kaso.


Giit pa ni Carranza, haka-haka lang ni Atty. Glen Chong ang sinasabi nitong siya talaga ang target ng naturang engkwentro.

Hindi rin aniya totoo na tinorture si Santillan.

Matatandaang 18 opisyal at tauhan ng Cainta PNP at Rizal PNP sa pangunguna ni Police Senior Superintendent Lou Evangelista ang sinibak sa puwesto dahil sa nasabing insidente.

Tiniyak naman ni Carranza na binubusising mabuti ng RIAS ang mga testimonya at ebidensya at sinumang mapatunayang nagkasala ay ipaghaharap ng kasong kriminal at administratibo.

Facebook Comments