PNP Cauayan City, Biglang Ininspeksyon!

4809

Cauayan City, Isabela- Nagsagawa ng surprised visit ang Police Provincial Deputy Director for Admin ng Isabela sa Cauayan City Police Station.

Pasado Ala una kaninang madaling araw nang bumisita sa himpilan ng pulisya si PLt.Col Mario Solino Cruz upang magsagawa ng inspeksyon.


Binigyang diin nito sa kanyang spot inspection ang maigting na pagpapatupad sa kanilang internal cleansing at sa kanilang ‘Project lovelife”.

Pinaalalahanan din nito ang mga kapulisan na dapat seryosohin at isapuso ang mga ipinapatupad ng Head Office para sa iisang hangarin ng PNP.

Kaugnay nito, dahil sa mahigpit na pagpapatupad sa ‘project lovelife’ ng kapulisan ay hindi bababa sa 100 na mga motorista ang kanilang nasisita sa kada araw.

Facebook Comments