Cauayan City, Isabela- Agad na tumalima ang PNP Cauayan City sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na paigtingin pa ang paghuli sa mga lumalabag sa guidelines at protocol na ipinatutupad ng mga lokal na pamahalaan para makaiwas sa sakit na COVID-19.
Ito’y bilang pagtugon sa panawagan sa panawagan ng ating Pangulo sa kanyang naging talumpati kahapon.
Hindi na pinapalampas ang mga nakikitang nasa lansangan na walang suot na facemask maging ang mga lumalabag sa proper social distancing.
Nasampolan ang apat na sakay ng isang kulong-kulong na taga Minante Uno sa Lungsod ng Cauayan dahil sa paglabag ng mga ito sa social distancing at wala pang suot na facemask ang talo na sakay nito.
Dinala sa PNP Cauayan ang apat at sasampahan ang mga ito ng kaso sa pamamagitan ng regular filing.
Kaugnay nito, mahigpit pa rin na ipinagbabawal ng mga otoridad ang mga Unauthorized Person Outside Residence (UPOR) o mga nasa edad 20 pababa at mga senior citizen maliban na lamang kung emergency o kinakailangang lumabas.
Maging ang ilang mga safety protocols ay babantayan at hihigpitan rin ipatutupad ng kapulisan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.