PNP Cauayan City, Nagsagawa ng Mas Pinahigpit na Checkpoint!

*Cauayan City, Isabela- *Nagsagawa ng mahigpit na Checkpoint ang PNP Cauayan City ngayong araw, Agosto 1, 2018 matapos magbigay ng direktiba ang PNP Regional Office kaugnay sa naganap na panloloob ng limang kawatan sa Metrobank main branch sa Tuguegarao City at bilang pagpapatupad na rin sa No Helmet, No Driving Policy dito sa Lungsod ng Cauayan.

Ito ay pinangunahan ni Police Senior Inspector Esem Galiza, ang Police Community Relation Officer ng PNP Cauayan City ang pagsasagawa ng pinaghigpit na checkpoint at dipende umano ito sa direktiba ng PNP Regional Office kung kailan nila ititigil ang pag-inspeksyon sa mga 4-wheels na sasakyan.

Tinatayang nasa 35 milyong piso umano ang natangay ng mga limang armadong kalalakihan na nanloob sa nasabing bangko.


Kaugnay nito ay tinutukan rin mismo ng RMN Cauayan News ang isinasagawang checkpoint ng kapulisan at marami pa rin sa mga motorista ang nahuhuli na lumalabag sa nasabing pulisiya na lumalabag rin sa PD 96 o ang paggamit ng mga LED Lights.

Paalala naman ni PSI Galiza sa mga empleyado ng bangko na maging alerto sa mga ganitong insidente at huwag din basta-bastang maniwala sa mga pumapasok na nagpapakilala bilang mga alagad ng batas.

Biniigyang diin pa ni PSI Galiza na kung magsasagawa man ng inspeksyon ang mga kapulisan ay lulan umano nila mismo ang kanilang marked vehicle o patrol car at suot rin umano nila ang kanilang kumpletong uniporme.

Facebook Comments