PNP Cauayan City, Nakiisa sa Simultaneous Duterte Legacy Caravan; Indignation Rally, Isinagawa

Cauayan City, Isabela- Nakiisa ang Cauayan City Police Station sa isinagawang Simultaneous Duterte Legacy Caravan ngayong Linggo, Disyembre 26, 2021.

Pinangunahan ito ni PLT Michelle Villanueva, Assistant Chief Operation ng PNP Cauayan City kasama ang National Coalition Advocacy Group at mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT).

Nagtungo ang kapulisan at Force Multipliers sa kanilang napiling lugar sa Brgy. Casalatan, Cauayan City, Isabela para sa kanilang pagsasagawa ng naturang aktibidad.


Sa ilalim ng Duterte Legacy Caravan, namahagi ang kapulisan ng mga tsinelas, facemask, alcohol at food packs sa mga piling benepisyaryo.

Nagkaroon din ng feeding program, tree planting activity, medical mission at nagsagawa rin ang kapulisan ng Project Vibes/Juana/ MOVE.

Ang naturang aktibidad ay layong matulungan ang mga mahihirap lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Samantala, kasabay ng ikinasang simultaneous Duterte Legacy Caravan, nagsagawa rin ngayong araw ng Indignation rally laban sa mga teroristang CPP-NPA-NDF ang mga tauhan ng PNP Cauayan City maging mga KKDAT members sa Lungsod.

Facebook Comments