Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLt. Scarlette Topinio, Information Officer ng PNP Cauayan City, titiyakin aniya ng kapulisan ang seguridad ng mga botanteng makikilahok sa dry run para sa halalan 2022 katuwang ang mga tauhan ng BFP, POSD, Rescue 922 at iba pang ahensya ng gobyerno.
Isasagawa ang mock election bukas na magsisimula ng alas 7:00 ng umaga sa Barangay District 1 at Minante Uno.
Una nang nagkaroon ng briefing sa mga PNP Personnels at pre-deployment sa dalawang polling centers sa Lungsod para sa pagpapatupad ng seguridad at health protocols sa nasabing aktibidad.
Umaasa naman si PLT Topinio na magiging matagumpay ang gagawing mock election bukas at walang maitala na di kanais-nais na insidente.
Hiniling din nito sa mga residente ng dalawang polling areas ang kanilang disiplina at kooperasyon para maisagawa ng maayos at payapa ang mock election.