PNP CAUAYAN, PAIIGTINGIN ANG SEGURIDAD NG MGA BIBISITA SA LUNGSOD NGAYONG KAPASKUHAN

Sa pagbabalik muli ng tradisyonal na pagdiriwang ng kapaskuhan matapos ang dalawang taong paghihigpit dulot ng pandemya, nangako ang PNP Cauayan na pananatilihin nito ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa lahat ng oras.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj. Esem Galiza, Deputy Chief of Police tinatayang nasa higit 30 tauhan ng PNP Cauayan ang nagbabantay sa Isabela COnvention Center (ICON) na kung saan naroon ang White Christmas Theme Village ng syudad ng Cauayan at Banchetto.

Dagdag pa ni PMaj. Galiza, maliban sa kawani ng PNP ay katuwang rin umano nila ang force multipliers para sa kanilang pagbabantay kontra sa anumang uri ng krimen.

Aniya, dahil sa dami umano ng bilang ng mga uniformed personnel sa nasabing lugar ay sa tingin umano ni PMaj. Galiza ay mag-aalangan na ang sinuman na mag tangkang gumawa ng mga hindi kanais nais.

Samantala, dahil sa inaasahang dadagsa ang mga turistang dadayo na mula pa sa mga karatig bayan patungo sa syudad ng Cauayan upang makisaya at bumisita, ay pinapayuhan rin ni PMaj. Galiza ang publiko na hangga’t maaari ay panatilihin parin ang pagsusuot ng face mask.

Facebook Comments