PNP Chief Archie Gamboa, nagiinspeksyon ngayon sa seguridad na ipinatupad sa Region 6 

218

 

Nagsasagawa ngayon ng inspeksyon sa hanay ng Police Regional Office 6 si PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa.

Sinabi ito ni PNP Spokesperson Police Brig General Bernard Banac, matapos  ang hindi pagdalo ng PNP Chief sa flagraising sa Camp Crame ngayong umaga.


Si PNP Deputy Chief for Administration PLt General Camilo Cascolan ang nanguna sa flagraising ceremony kasama sona PNP Deputy Chief for operations PLt. General Guillermo Eleazar at ang bagong The Chief Directorial Staff PMgen. Cesar Hawthorne Binag.

Ang pagbisita ng PNP Chief sa PRO 6 ay kasunod ng matagumpay na pagdaraos ng Dinagyang Festival sa Iloilo nitong weekend.

Unang iniulat ng Special Task Group Dinagyang na Walang Major untoward incident na naitala sa main event ng Dinagyang festival na “Ati competition” kahapon sa Iloilo Dinagyang Grandstand.

Facebook Comments
From Advertisers