PNP Chief Azurin Jr., unang magsusumite ng courtesy resignation

Unang maghahain ng kanyang courtesy resignation si Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr.

Ito ay kasunod nang panawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos para sa isasagawang internal cleansing sa hanay ng pambansang pulisya.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Red Maranan, ito ang resulta ng ipinatawag na command conference ni Gen. Azurin sa Camp Krame kahapon kasama ang mga colonel at generals ng PNP.


Sinabi ni Maranan na suportado ng liderato ng PNP ang panawagan ni Abalos.

Aniya, bagama’t may mga tanong ang ilang mga opisyal ay nagpahayag naman ang mga ito ng suporta sa hakbang ni Abalos para linisin ang PNP.

Giit pa nito, kumpyansa ang mga opisyal ng PNP kay Abalos na magiging patas ang vetting process at mapapanagot ang mga tiwali at mga tinaguriang ninja cops na yumuyurak sa imahe ng kapulisan.

Facebook Comments