Iba pang opisyal ng PNP, isusunod na matapos hingan ng courtesy resignation ang mga colonel at heneral

Tuloy tuloy ang gagawing paglilinis sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Red Maranan, hindi magtatapos ang internal cleansing ng PNP sa pag-hingi ng courtesy resignation ng mga 3rd level officers o full pledge colonel at mga heneral ng Pambansang Pulisya.

Aniya, isusunod na ang mga 2nd level Officers o Lt. Col pababa, hanggang sa mga non-commissioned officers.


Kasunod nito, sinabi ni Maranan na suportado ng PNP ang hakbang na ito ni DILG Sec. Benjur Abalos at sa katunayan, mismong si PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., pa nga ang unang magsusumite ng kanyang courtesy resignation.

Kumpiyansa din ito na magiging patas ang vetting process at malilinis ang pangalan ng mga opisyal na hindi sangkot sa ilegal na droga, pagkatapos ng evaluation ng binuong 5-man team committee.

Facebook Comments