Pupunta ng Kongreso ngayong hapon si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr.
Ito’y upang tumugon sa urgent meeting na ipinatawag ni House Speaker Martin Romualdez sa PNP at Department of the Interior and Local Government.
Ayon kay Azurin, magpapaliwanag sila kay Romualdez hinggil sa serye ng ambush sa mga politiko.
Dito ay magpepresenta sila ng mga datos tungkol sa mga patayan at magbibigay ng update sa mga nangyaring pananambang sa mga politiko.
Paliwanag ni Azurin, pinatawag sila sa Kongreso para alamin kung ano ba ang mga pangangailangan at pagkukulang ng PNP.
Posible kasing matulungan ng Kongreso ang PNP pagdating sa kagamitan, pagsasanay at dagdag pondo para mapaigting pa ang kanilang kakayahan sa paglutas ng krimen.