PNP Chief Bato, napilitan lang mag-sorry?

Manila, Philippines – Naniniwala si Gabriela Rep. Arlene Brosas na napilitan lamang humingi ng paumanhin si PNP Chief Bato dela Rosa sa taumbayan.

Ang paghingi ng sorry ni Bato ay matapos niyang sabihin na ingrato ang mga tumutuligsa sa war on drugs na nakikinabang naman sa peace and order ngayon ng bansa.

Ayon kay Brosas, napilitan lamang si Bato na humingi ng patawad dahil nakita nito ang tindi ng galit ng publiko sa patuloy na pagtatakip ng PNP sa tuloy-tuloy na pagpaslang sa kampanya kontra iligal na droga.


Giit ni Brosas, hindi naman ang sorry ni dela Rosa ang kailangan ng taumbayan kundi hustisya sa mga inosenteng buhay na napaslang tulad nila Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman.

Aniya, walang saysay ang paghingi ng paumanhin ni Bato kung magpapatuloy ang mga insidente ng mga napapatay na inosente at kabataan sa bansa.

Facebook Comments