PNP Chief, bukas sa pagsalang sa Senate investigation kaugnay sa pagkakadiskubre ng secret jail sa MPD

135

Manila, Philippines – Welcome kay PNP chief PDG Ronald Bato Dela Rosa ang ipatatawag na senate investigation patungkol sa umano’y secret jail cell sa Manila Police District station 1.

Sa isang ambush interview sinabi ng PNP chief na siya ay dadalo sa naturang pagdinig upang malaman ng mga mambabatas ang mga problema sa kakulangan ng pasilidad ng PNP para sa lahat ng mga detainees.


Matatandaang idinahilan ng hepe ng MPD station 1, na ikinukong nila ang 11 suspek sa isang makeshift na piitan sa likod ng isang cabinet habang silay iniimbestigahan, dahil puno na ang kanilang jail cell.

Nauna nang sinabi ni Dela Rosa na gagawing prioridad ng PNP ang paghingi ng karagdagang pondo sa kanilang budget upang makapagpagawa ng karagdagang mga detention facilities.

Sinabi ni Dela Rosa na umaasa siya na sa kanyang pagharap sa mga senador, ay makakatulong ang mga mambabatas sa pagiisip ng solusyon sa problema ng overcrowding sa mga piitan ng pamahalaan.

DZXL558




Facebook Comments