Sa kabila ng nagpapatuloy na Peace Talks sa CPPNDF, mga rebeldeng grupo nananatiling banta sa seguridad ng Bansa

66

Manila, Philippines – Inihayag ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon na itinuturing na Pangunahing banta sa seguridad ng bansa ay ang New People’s Army at ang mga teroristang grupo.

Sa press briefing ni Esperon sa Malacañang kanina ay sinabi nito na kung ang paguusapan ay ang way of life o ang normal na takbo ng pamumuhay ng mga Pilipino ang pag-uusapan ay ang NPA ang may pinakamalaking bansa.

Paliwanag ni Esperon, hindi naman masama ang komunismo pero hindi aniya ito ang nakasanayang pamumuhay ng mga Pilipino.

Sinabi ni Esperon na kung ang usapin naman ay ang pagkitil sa freedom of movement, fear, mass destruction at extremism ang paguusapan ay pangunahing nakikitang banta ay ang terorismo.

Isa din aniya ang operasyon ng iligal na droga sa mga tinututukan ng pamahalaan na direktang nakaaapekto sa Pamilyang Pilipino.

DZXL558

Facebook Comments